Wednesday, December 17, 2008

Pambansang Wikang Filipino

Sa patuloy na pag-unlad ng wika at pag-aayos ng Saligang Batas,
ipinahayag na ang wikang pambansa ay tatawagin nng Filipino.Iyan
ay sa SB 1973 nagsimula at na nadisyunan sa SB 1987 na kung wika
ang tutukuyin- Filipino ang itatawag, at kung lahi naman ay Pilipino.
Ito ay malinaw na itinala sa Artikulo XIV, Sek. 6. "Ang wikang pam-
bansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,ito'y dapat na
pagyabungin at pagyamanin pa ,salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang wika. Sek. 7: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo ang wikang ofisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang
walang itinatadhana ang batas,Ingles.Batay naman sa pinagtibay ng
konstitusyon ng bansa,ang Filipino ang pambansang linguafranca na
magsisilbing midyum ng komunikasyon ng mga Pilipinong nabibilang
sa iba't ibang rehiyon na may iba't ibang wikang gamit o umiiral.

No comments:

Post a Comment