Wednesday, December 17, 2008

Pambansang Wikang Filipino

Sa patuloy na pag-unlad ng wika at pag-aayos ng Saligang Batas,
ipinahayag na ang wikang pambansa ay tatawagin nng Filipino.Iyan
ay sa SB 1973 nagsimula at na nadisyunan sa SB 1987 na kung wika
ang tutukuyin- Filipino ang itatawag, at kung lahi naman ay Pilipino.
Ito ay malinaw na itinala sa Artikulo XIV, Sek. 6. "Ang wikang pam-
bansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,ito'y dapat na
pagyabungin at pagyamanin pa ,salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang wika. Sek. 7: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo ang wikang ofisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang
walang itinatadhana ang batas,Ingles.Batay naman sa pinagtibay ng
konstitusyon ng bansa,ang Filipino ang pambansang linguafranca na
magsisilbing midyum ng komunikasyon ng mga Pilipinong nabibilang
sa iba't ibang rehiyon na may iba't ibang wikang gamit o umiiral.

Tuesday, December 16, 2008

Kaibahan ng Wika sa Diyalekto

Ang wika ay isang masistemang balangkas nga sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagkomunikasyonng mga taong nabibilang sa isang kultura.Ang diyalekto naman ay varyasyon ng wika.Ito rin ang ginagamit ng partikular na grupo ngmga tao.

Kahalagahan ng Wika

Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.Sa pamamagitan ng wika, malayang naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin,suhestyon at opinyon.Mahalaga rin ang wika dahil sa ito ang nagbubuklod sa isang kultura at hindi lamang partikular dito sa Pilipinas,maging sa ibang bansa rin.Ang wika ay sadyang napakahalaga sa aspeto ng pakikipagkomunikasyon.

Sunday, December 14, 2008

Development /Isteyjes sa Pagkatuto ng Wika

Ayon kina George A. Miller at Patricia M. Gildea sa How Children Learn Words,labintatlong salita ang nabubuo ng isang bata bawat araw at limang libo naman bawat taon. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng ss. na isteyjes: Una ang Pag-iyak(Crying).Sumunod ang Kuwing(Cooing),Babling(Babbling),Intonasyon(Intonation),Isang Salita(Holophrastic Stage),Dalawng Salita(Two-Word Utterances),Salita(Word Inflections),Tanong(Question),Kompleks na Pangungusap(Complex Constructions),at ang huli ay ang Matyur na Pananalita(Speech). Tungkol naman sa topic na ito,natutuhan ko kung papaano natuto ang isang indibidwal ng wika.Ito ay may mga isteyjes na kailangang pagdaanan upang matuto ang isang indibidwal ng wika.Ayon sa unang limang isteyjes,nagsisimula na ang isang bata na matuto at makabuo ng mga tunog;at habang lumalaki ang isang bata ay natututo na silang makabuo ng mga salita.

Likas at Artipisyal na Wika

Natutuhan ko ang kaibahan ng Likas at Artipisyal na Wika.Ayon sa aking natutuhan,ang likas na wika ay sadyang 'likas' dahil natutuhan ito ng hindi napag-aaralan.Ito ang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipag-komunikasyon.Ang artipisyal na wika naman ay ang wikang napag-aaralan.Kailangan natin itong pag-aralan upang mapaunlad ang pakikipag-komunikasyon.